MANILA, Philippines - Nagpalabas ng kautusan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Carmelo Valmero na nagbabawal nang pagdadala ng backpack ang mga dadalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong araw.
Ibinabawal din at aaresÂtuhin ang sinuman na gagamit ng paputok o anumang uri ng pyrotechnics sa piyesta.
“Bawal yung fireÂcrackers, yung mga pyrotechnics kasi mag-cause ng harm yun eh, nakita naman natin sa last yuletide season merong natalsikan how much more yung magpaputok nito eh crowded yung place, we will arrest them “, pahayag ni Valmoria.
Muli ring iginiit ni Valmoria na bawal din ang mga backpack dahilan karaniwan ng ginagamit ito para paglagyan ng mga bomba at bagaman wala namang banta sa seguridad o pananabotahe sa nasabing okasyon ay nais lamang ng NCRPO na matiyak ang seguridad.
Ayon pa kay Valmoria na all systems go na ang kapulisan sa piyesta ng Itim na Nazareno na inaasahang dadagsain ng 12 milyong debotong Katoliko ngayong araw.
Hindi pa nagbaba ng alerto ang pulisya na nasa ‘full alert status’ umpisa pa noong Disyembre 19 dahilan sa pagdiriwang ng kapaskuhan at nagpatuloy kaugnay naman ng piyesta ng Black Nazarene Feast.
Nabatid na nasa mahigit 6,000 pulis bukod pa sa mga force multipliers tulad ng mga Metro Manila Development Authority (MMDA) personnel ang ipakakalat sa nasabing okasyon.