^

Police Metro

Paputok, hindi rin pwede... Backpack bawal sa prusisyon

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng kautusan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Carmelo Valmero na nagbabawal nang pagdadala ng backpack ang mga dadalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong araw.

Ibinabawal din at aares­tuhin ang sinuman na gagamit ng paputok o anumang uri ng pyrotechnics sa piyesta.

“Bawal yung fire­crackers, yung mga pyrotechnics kasi mag-cause ng harm yun eh, nakita naman natin sa last yuletide season merong natalsikan how much more yung magpaputok nito eh crowded yung place, we will arrest them “, pahayag ni Valmoria.

Muli ring iginiit ni Valmoria na bawal din ang mga backpack dahilan karaniwan ng ginagamit ito para paglagyan ng mga bomba at bagaman wala namang banta sa seguridad o pananabotahe sa nasabing okasyon ay nais lamang ng NCRPO na matiyak ang seguridad.

Ayon pa kay Valmoria na all systems go na ang kapulisan sa piyesta ng Itim na Nazareno na inaasahang dadagsain ng 12 milyong debotong Katoliko ngayong araw.

Hindi pa nagbaba ng alerto ang pulisya na nasa ‘full alert status’ umpisa pa noong Disyembre 19 dahilan sa pagdiriwang ng kapaskuhan at nagpatuloy kaugnay naman ng piyesta ng Black Nazarene Feast.

Nabatid na nasa mahigit 6,000 pulis bukod pa sa mga force multipliers  tulad ng mga Metro Manila Development Authority (MMDA) personnel ang ipakakalat sa nasabing okasyon.

AYON

BLACK NAZARENE FEAST

CHIEF P

DIRECTOR CARMELO VALMERO

ITIM

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAZARENO

VALMORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with