^

Police Metro

Tina Monzon-Palma, itinanghal na Tandang Sora Awardee sa QC

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginawaran si multi-awarded broadcast journalist Maria Cristina ‘Tina’ Monzon-Palma bilang Tandang Sora Award ni QC Mayor Herbert Bautista at  Vice-Mayor Joy Belmonte  sa isang seremonya sa pagdiriwang sa ika 202 taong birth anniversary ng bayaning si Melchora Aquino Tandang Sora National Shrine, Banlat Road, Quezon City kung saan dito siya ipinanganak.

Kinilala si Palma sa kanyang natatangi at pambihirang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 at Sagip Kapamilya sa ilalim ng ABS-CBN Foundation.

Si Palma bilang Program Director ng naturang foundation ay nakapagbigay  ng suporta sa publiko para sa relief at rehabilitation efforts sa mga biktima ng karahasan at kalamidad sa buong bansa partikular sa Zamboanga, Bohol at Eastern Visayas.

Si Palma ang tanging ikalawang recipient sa para­ngal na ang una ay si dating Senator Helena Z. Benitez.

Ang prestisyosong parangal na kumikilala sa mga natatanging kababaihan na may malaking naiambag sa pagtulong sa taumbayan tulad ng mga ginawa noon ng Grand Woman ng rebulusyon at bayani ng QC na si Melchora Aquino.

vuukle comment

BANLAT ROAD

BANTAY BATA

EASTERN VISAYAS

GRAND WOMAN

MARIA CRISTINA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MELCHORA AQUINO

MELCHORA AQUINO TANDANG SORA NATIONAL SHRINE

PROGRAM DIRECTOR

QUEZON CITY

SI PALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with