^

Police Metro

Baclaran pansamantalang nilinis muna sa illegal vendors

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na mapaso ang ibinigay na “special permit” nitong nakaraang Kapaskuhan sa libu-libong illegal vendors ng pamahalaang local ng Parañaque City ay nilinis kahapon ang Baclaran.

Ipinagmalaki ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na alas-5:00 pa lang ng umaga ay halos wala nang makikitang vendors at maayos nang nadaraanan ang mga kalsada partikular na ang Redemptorist Road, Service Road, at maging ang ilang bahagi ng FB Harrison Street at Taft Avenue.

Bago ang operasyon ay nakipagdayalogo na si Olivarez sa mga lider ng mga vendors kamakalawa kung saan nasa 3,200 illegal vendors ang pinagbawalan nilang magtinda makaraang matapos na umano ang bisa ng ‘special permit’ na inisyu nila noong nakaraang Nobyembre para makapagtayo ng mga tolda at magtinda ang nasa 600 vendors. 

Ngunit trak-trak naman ng basura ang nahakot sa Baclaran na iniwan ng mga illegal vendors.

Matatandaan na hindi na madaanan ng mga motorista ang Redemptorist Road at Service Road dahil sa dami ng vendors na malayang nakapagtitinda. 

Ipinaliwanag ni Olivarez na mga “gerilya” vendors umano ang nagpapasikip sa mga kalsada na agad nagbabalikan kahit na maya-maya ang pagsita.

Sinabi pa ni Olivarez na gumagawa na siya at ang Sangguniang Panglungsod ng permanenteng solusyon sa dekada nang problema sa illegal vendors tulad ng pagtatayo ng “flea market” sa lugar na paglilipatan sa mga vendors na maaari umanong ilipat sa “reclaimed area” na dating bahagi ng Manila Bay.

Binabantayan naman ngayon kung hanggang kailan magiging maluwag ang Redemptorist Road na sa ilang taon nang nakalipas ay nagpo-protesta ang pamunuan ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa pagbibigay ng permit ng pamahalaang lungsod sa mga vendors sa tapat ng simbahan. 

Upang hindi magbalikan ang mga vendors, ipinagmalaki ni Olivarez na naglagay umano sila ng mga bantay na sisita sa mga ito.

BACLARAN

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

HARRISON STREET

OLIVAREZ

REDEMPTORIST ROAD

SERVICE ROAD

VENDORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with