^

Police Metro

Traslacion gawing sagrado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gawing sagrado ang pagsasagawa ng Traslacion sa pamamagitan nang pagbibigay galang at pagpapahalaga.

Ito ang ipinaalala ni Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene na sagrado ang andas dahil ito ang nagbubuhat sa imahen ng Poong Hesus Nazareno na hindi dapat hayaang masira sa prusisyon.

Pinaalalahanan din ng pari ang mga mamayan at mga deboto na dapat igalang ang sakramento ng banal na misa bago ang Traslacion at huwag  hayaang mahinto ang pagbibigay ng final blessing ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na siyang hudyat ng pagsisimula ng prusisyon.

Nakikiusap si Msgr. Ignacio sa lahat na tapusin ang banal na misa ng Kardinal at huwag mag-unahan na makaakyat sa andas na hindi natatapos ang sakramento ng misa.

Ipinaunawa din ni Msgr. Ignacio na ang tunay na deboto ng Poong Hesus Nazareno ay ang pagiging mapagmahal sa kalikasan kaya dapat huwag hayaan na maging madumi ang mga daraanan ng andas.

Nagbago ang ruta at hindi ito daraan sa McArthur bridge na isasailalim sa rehabili­tasyon kundi sa Jones bridge.

Hinikayat din ng pari ang lahat ng deboto na dumalo sa gagawing prayer vigil sa Quirino Grandstand na magsisimula ng alas-6:00 ngayong gabi.

Napansin din ni Ignacio ang pagdami ng mga  dayuhang deboto ng Mahal na Poong Nazareno na dumara­ting sa Maynila upang lumahok sa tradisyunal na taunang prusisyon.

Ito anya ay indikasyon na ang debosyon sa Black Nazarene ay lalong lumalawak, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong–dagat.

BLACK NAZARENE

IGNACIO

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

MONSIGNOR CLEMENTE IGNACIO

MSGR

POONG HESUS NAZARENO

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with