Presyo ng diesel at kerosene inirolbak
MANILA, Philippines - Maliit na rolbak sa presyo ng diesel at kerosene ang ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis ngayong umaga.
Ang Pilipinas Shell ay nagrolbak ng P.45 sentimos sa kada litro ng diesel at P.25 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.
Wala namang paggalaw sa presyo ng premium at unleaded gasoline.
Sumunod ay ang Phoenix Petroleum ng kahalintulad din ang rolbak, habang wala pang opisyal na pahayag ang ibang kumpanya ng langis partikular ang Petron Corp. at Chevron Philippines ngunit inaasahan na susunod din ito sa bagong galaw sa presyo ng langis sa lokal na merkado.
Muling ikinatwiran ng Shell na ang bagong presyo ay base pa rin sa dikta ng internasyunal na merkado na sinasalamin lang sa presyuhan sa lokal na pamilihan sa bansa.
- Latest