^

Police Metro

Bayan ng Pandi sa Bulacan binuksan sa mga investor

Pang-masa

MANILA, Philippines - Libu-libong mga residente hindi lamang sa bayan ng Pandi kundi maging sa mga karatig-bayan na Sta. Maria, Balagtas at Guiguinto sa lalawigan ng Bulacan ang dumagsa sa isinagawang “Grand Opening” kamakailan ng kinikilala ngayong higanteng supermarket sa bansa, ang Puregold Pandi na matatagpuan sa Barangay Bunsuran II ng bayang ito.

Bilang hudyat sa pagpasok ng mga investor sa Pandi, kabilang sa mga dumagsang consumers ay mula sa 22 barangay ng nasabing bayan at mga karatig bayan nito kung saan nasaksihan ng mga ito kung paano tinangkilik ang opening day ng supermarket.

Pinangunahan ni Pandi Mayor Enrico A. Roque, pangulo ng Bulacan Mayor’s League; Puregold regional manager Joseph Sy; Vice Mayor Oscar Marquez;Sangguniang Bayan Councilors Ricky Roque,  Floren Romero,  Noel Roxas,  Rael Marcos, Grace Mauricio, Sonny Antonio, Vic Concepcion at Louie Sebastian; ABC President Ariel Calonzo at ng buong Liga ng mga Barangay sa naturang pagpapasinaya ng Puregold Pandi.

 

vuukle comment

BARANGAY BUNSURAN

BULACAN MAYOR

FLOREN ROMERO

GRACE MAURICIO

GRAND OPENING

JOSEPH SY

LOUIE SEBASTIAN

NOEL ROXAS

PANDI

PUREGOLD PANDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with