^

Police Metro

Sabog sa droga hinostage ang kaanak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sobrang sabog sa droga ang umano’y dahilan para i-hostage ng suspek na si Jerry Lo, 22 ang kanyang kaanak kabilang ang isang sanggol kahapon ng umaga sa Quezon City.

Karga pa ng suspek ang walong buwang sanggol habang may hawak na patalim nang dambahin ng mga tropa ng Quezon City Police District para matapos ang halos apat na oras na hostage drama na nangyari sa Barangay Santa Teresita.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang i-hostage ng suspek ang pamilyang Gelendon na  sina Mary Rose; John Carlo; Josephine  at walong buwan na  sanggol.

Nabatid na bumisita ang suspek at kanyang nanay na si Luzviminda, 40, ng Simon Street, sa kanilang kaanak sa Halcon II Street, nitong Linggo ng gabi na kakaiba na ang kilos ng suspek na tila bangag.

Kinaumagahan sa hindi inaasahan ay biglang sinaksak nito ang kanyang nanay sa dibdib at nang dalhin sa ospital ang kanyang nanay ay isinara ng suspek ang pintuan ng bahay ng mga kaanak at sinimulang i-hostage ang mga ito, gamit ang patalim.

Sa kainitan ng hostage taking ay sinaksak ng suspek sa hita ang kanyang pinsan na John Carlo, bago binitbit ang nasabing sanggol at ipinagpatuloy ang panghu-hostage sa mga biktima.

Hindi rin nagbigay ng rason ang suspek kung bakit niya hinostage ang kaanak at bumigay lamang ito nang makumbinsing ang kanyang tatay na nasa telepono at gusto siyang makausap.

Paglapit ng suspek sa gate para kunin ang cell phone at makausap ang kanyang tatay ay bigla na siyang dinamba ng mga nakaantabay ng mga pulis.

 

BARANGAY SANTA TERESITA

GELENDON

JERRY LO

JOHN CARLO

KANYANG

MARY ROSE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SIMON STREET

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with