Bar review sa Remedial Law ibibigay ni Dean Riano
MANILA, Philippines - Magbibigay ang Great Minds Bar Review Services ng advanced and comprehensive review in Remedial Law para sa mga law graduating students na nagnanais pumasa sa bar exam.
Pangungunahan ng tinaguriang “The Master of the Vivid and Simplified Lecture†na si Dean Willard B. Riano ang pag-aaral na gaganapin sa Malate, Manila tuwing linggo mula Enero 26 hanggang Marso 2 ng taong kasalukuyan o mahigit isang buwan bago ang regular bar review season sa Abril.
Inaanyayahan ang mga law graduating students, graduates at refreshers na dumalo sa nasabing pag-aaral.
Layunin ng bar review na mabigyan ang mga exaÂminee ng mas mahusay na kaalaman tungkol sa sinasabing pinakamahirap na paksa sa pag-aaral ng batas.
Nais din ni Dean Riano na mapagtuunan ng pansin ng mga reviewees ang Remedial Law na pinakamataas na uri sa lahat ng Bar subjects.
Bibigyan ang bawat kalahok ng ‘handouts’ na inihanda mismo ni Dean Riano para sa anim na araw na pag-aaral.
Si Riano ay isang lecturer sa Civil Procedure, Evidence, Criminal Procedure, Contracts, Special Contracts at Commercial Laws. Siya ang may akda ng mga sikat na Remedial Law books tulad ng “Fundamentals of Civil Procedure, Evidence (A Restatement for the Bar), Civil Procedure (A Restatement for the Bar), at Evidence (The Bar Lecture Series).â€
Para sa karagdagang impormasyon, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa telepono bilang 09178692560, 09173493987 at 09324837047 o magsadya sa Mariners Home Annex na matatagpuan sa 1970 P. Hidalgo Lim Street sa Malate, Manila
- Latest