^

Police Metro

Lady trader inutas sa harap ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na ginang ang binaril nang malapitan sa harap ng kaniyang 14-anyos na binatilyong anak kamakalawa sa Brgy. Sto Tomas South, Jaen, Nueva Ecija.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Aurora Cunanan Ilamparo, negosyante at residente ng Sitio Lumanas, Brgy. Sto Tomas.

Sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon ay kasalukuyang kalaro ni  John Mark ang mga kaibigan nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at hinanap ang kaniyang ina.

Agad namang tinawag ng bata ang kaniyang ina na nagkataong may ginagawa sa loob ng kanilang bahay, subalit paglabas ng ina ay agad na bumunot ng baril  ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod sa pagamutan ang ginang, subalit nabigo nang mailigtas ang buhay nito.

 

 

AURORA CUNANAN ILAMPARO

BRGY

ISANG

JAEN

JOHN MARK

MABILIS

NUEVA ECIJA

SITIO LUMANAS

STO TOMAS

STO TOMAS SOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with