^

Police Metro

Parak nasa hot water sa pagpapaputok ng baril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng masibak sa serbisyo at mahaharap sa kasong kriminal ang isang pulis-Quezon City dahil sa pagbaril sa mga kabataan na kalaban ng kanyang mga kaanak na kung saan ay tinamaan ng bala ang isang rider.

Ang suspek ay kinilalang si PO3 Arnold Sagun, 37, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning station na pansamantalang sinuspinde sa trabaho at nasa kustodiya ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dahil sa pagkakabaril kay Alex Romarico Chiong Jr, ng Lower Ville Homes, Interville-II Subdivision, Barangay Culiat sa Tandang Sora.

Ayon sa ulat, bago nangyari ang pamamaril  ganap na ala-1:30 ng madaling-araw noong Miyerkules ay nakita ni Sagun ang tatlo niyang kaanak na binubugbog ng kalabang grupo ng mga kabataan sa kahabaan ng Canada Drive sa Sanville Subdivision, Barangay Culiat.

Agad kinuha ni Sagun ang kanyang baril at hinabol ang tumatakbong mga kabataan at pinagbabaril sa may gate ng Tower Ville Homes sa loob ng Interville-II Subdivision ng Barangay Culiat na kung saan ay hindi tinamaan ang kalabang grupo ng kaanak, subalit ang isang bala ay tumama sa dibdib ni Chiong na noon ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo.

Si Sagun ay inaresto ng mga kabaro mula sa QCPD Talipapa station saka itinurn-over sa kustodiya ng QCPD-CIDU at sinampahan ng kasong frustrated murder, pero sa inquest na ginawa ni Assistant City Prosecutor Don Ace Mariano Alagar, ang kaso ay inirekomenda “for further investigation”.

ALEX ROMARICO CHIONG JR

ARNOLD SAGUN

ASSISTANT CITY PROSECUTOR DON ACE MARIANO ALAGAR

BARANGAY CULIAT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

INTERVILLE

LOWER VILLE HOMES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAGUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with