^

Police Metro

Barilan sa Taguig: 3 todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Awayan umano sa ilegal na patubig ang dahilan nang naganap na barilan sa Taguig City na ikinasawi ng tatlong lalaki kahapon ng umaga.

Patuloy pang inaalam ang pangalan ng tatlong biktima na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Makati.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa may no. 31 Mt. Apo St., Palar, Brgy. Pinagsama. 

Nabatid na nakatanggap ang pulisya nang ulat tungkol sa nasabing pamamaril at nang res­pondehan ang lugar ay nakita ang tatlong lalaki na nakahandusay sa lupa.

Walo katao naman ang dinakip ng mga pulis na hinihinalang may kinalaman sa naganap na pamamaril.

Tumanggi muna sina Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte at  Taguig City Police chief, Sr. Supt. Felix Asis na magbigay ng detalye sa naganap na barilan na isinasailalim pa sa imbestigasyon.

Sa unang impor­masyon na lumabas, awa­yan umano sa tubig ang pinag-ugatan ng sigalot na nauwi sa barilan.

AWAYAN

BRGY

DIRECTOR JOSE ERWIN VILLACORTE

FELIX ASIS

MT. APO ST.

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SR. SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with