^

Police Metro

Imbestigasyon sa anomalya sa SARO tatapusin na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinapatapos ni Justice Sec. Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon at magsumite ng report kaugnay sa umano’y sindikato ng Special Allotment Release Orders (SAROs) sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, lumalabas sa paunang resulta ng imbestigasyon na mga staff ng mga kongresista ang kasabwat ng sindikato o tinaguriang SARO gang sa DBM.

Ayon kay De Lima, kasama sa 12 SAROs na iniimbestigahan ang dalawa mula sa Regions I at VI na kinasasangkutan ng mga proyektong nagkakahalaga ng P161 million at P77 million.

Iba pang kuwestiyonableng SAROs ay nakalaan sana sa Calabarzon (Region 4A) at Socsksargen (Region 12).

Lumalabas din na ang kinikilalang ‘Supremo’ o pinuno ng pamemeke ng SARO ay isang babae, sang-ayon sa sumbong ng mga DBM insiders.

 

AYON

CALABARZON

DE LIMA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

JUSTICE SEC

LEILA

LUMALABAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PINAPATAPOS

REGIONS I

SPECIAL ALLOTMENT RELEASE ORDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with