^

Police Metro

Barangay hall niratrat ng mga pulis, tanod utas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ang isang barangay hall sa Pasay City na hindi pa kila­lang mga suspek na ang isa ay nakasuot ng PNP athletic uniform na sakay ng scooter na may sticker ng MPD na ikinasawi ng isang tanod naganap kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si John Armiel Quilantang, 20, binata, ng no. 346 Magtibay Street, M. Dela Cruz, ng lungsod. 

Nasugatan naman sina  Maynard Alfaro, 33, Chairman ng Brgy. 134, Zone 13; Kagawad Noel Mariano, 43; Kagawad Jose Maria, at isang Frank Reyes, ng Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ay nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng barangay hall ng Brgy. 134, Zone, 13 nang biglang sumulpot ang tatlong armadong lalaki sa bintana at agad na nagpaputok ng baril.

Dito ay agad tinamaan ang tanod na si Quilantang habang nagtamo ng bahagyang pinsala ang iba. 

Sinabi ni Chairman Alfaro na agad siyang naka­kubli sa katabing kuwarto at nakuha ang kanyang baril saka nakipag­palitan ng putok sa mga salarin kaya’t napilitang tumakas ng mga salarin at naiwan pa ang itim na Yamaha Mio Soul scooter na walang plaka at  may sticker ng PNP at Manila Police District (MPD).

Sa footage ng “clo­sed circuit television (CCTV)” sa katabing Barangay 130, Zone 13, nakita na sakay ang tatlong gunman ng isang scooter at sinusundan ito ng isang gray na kotse, at isa pang motorsiklo lulan pa ang dalawa pang lalaki na ang isa ay nakasuot ng PNP athletic uniform.

 

vuukle comment

BRGY

CHAIRMAN ALFARO

DELA CRUZ

FRANK REYES

JOHN ARMIEL QUILANTANG

KAGAWAD JOSE MARIA

KAGAWAD NOEL MARIANO

MAGTIBAY STREET

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with