^

Police Metro

Grade 3 pupil ni-rape/slay ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 9-anyos na batang babae ang natagpuang patay kamakalawa sa isang bakanteng lote sa Taguig City matapos na gahasain at patayin ng kapitbahay na ex-convict.

Ang biktima ay kinilalang si Crissa Ann Marasigan, Grade 3 pupil, at naninirahan sa Bagong Sikat, Brgy. Sta. Ana ng lungsod at nagtamo ng malalim na sugat sa leeg na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang suspek na agad naaresto ng pulisya ay kinilalang si Mario Cruz, 33, binata, na dating nakulong sa kasong rape at kapitbahay ng biktima.

Sa salaysay ng ina sa pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi ay inutusan nito ang anak na bumili ng diaper ng kanyang kapatid na sanggol.

Nagtaka ang ina kung bakit  higit kalahating oras na ay hindi pa bumabalik ang anak gayung ang lapit lang ng tindahan sa kanila kung kaya’t nagpasya silang hanapin ito.

Nang hindi matagpuan, humingi na ng saklolo ang pamilya sa mga barangay tanod hanggang sa matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa tapat ng bahay ng suspek na si Cruz.

Hindi natagpuan si Cruz sa loob ng bahay kaya nagsagawa na ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip nito.

 

vuukle comment

BAGONG SIKAT

BIKTIMA

BRGY

CRISSA ANN MARASIGAN

CRUZ

ISANG

MARIO CRUZ

NAGTAKA

NANG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with