Kelot pinasok sa bahay, pinatay
MANILA, Philippines - Tuluyan nang hindi nagising sa mahimbing na pagkatulog ang isang 22-anyos na binata nang pasukin at pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Darwin Odal, ng Barangay 275, Zone 25, Gate 54, Area C, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 12:10 ng madaling-araw ng makarinig ang mga residente ng putok ng baril mula sa bahay ng biktima.
Kaya’t pinuntahan ito para alamin at ganun na lamang ang pagkagulat nang makita ang biktima na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay.
- Latest