^

Police Metro

Intsik tiklo sa sangkaterbang armas

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang Chinese national makaraan na makumpiskahan ito ng sangkaterbang armas sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa bisinidad ng casino kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang suspek sa pamamagitan ng nakuhang identification card na si Jerry Sy, 46-anyos.

Nakumpiska sa suspek ang sari-saring armas na kinabibilangan ng limang baril, silencers, dalawang anti-riot smoke grenade,tatlong granada, isang taser gun,iba’t ibang bala, martilyo, palakol, mga jungle knife,spike sa gulong ng kotse at stun gun. Isang pakete rin na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago nakumpiska ang mga nasabing armas ay hinabol ng suspek ng saksak ang isang Tsinoy na si Joseph Ang, 58 na kustomer ng  casino sa Aquino Joint ng Resorts World Manila.

Dito ay rumesponde ang mga pulis at nang habulin si Sy ay  nalaglag ang magazine ng bitbit nitong baril hanggang sa makorner ito.

Nang inspeksyunin ang sasakyan ni Sy na puting Honda Accord (DL 5101) na nakaparada sa parking area ay natagpuan ang nasabing mga armas.

Hindi pa malinaw kung bakit pinagtangkaan ni Sy na patayin si Ang at inaalam rin kung mi­yembro ito ng isang sindikato at saan gagamitin ang nakumpiskang mga armas.

Ang suspek ay nahaharap sa patung-patong na kaso tulad ng frustrated homicide, illegal possession of firearms, ammunitions, explosives and deadly weapons at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakikipag-ugnayan rin ngayon ang pulisya sa Bureau of Immigration kung may legal na dokumento si Sy para makapasok sa bansa.

vuukle comment

AQUINO JOINT

BUREAU OF IMMIGRATION

DRUGS ACT

HONDA ACCORD

JERRY SY

JOSEPH ANG

PASAY CITY

RESORTS WORLD MANILA

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with