MANILA, Philippines - Bukod sa mga Chinese at West African drug syndicates ay napasok na rin ng Mexican Sinaloa drug cartel ang Pilipinas kasunod nang pagkakaaresto sa tatlong big time drug trafficker na miyembro ng sindikato sa raid sa LPL Ranch compound sa Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas nitong Pasko.
Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Gary Ting Tan alyas Chua, 37-anyos; farm manager; Jorge Torres, isang Filipino American na may US passport; Argay Argenos at Rochelle Argenos na nakumpiskahan ng 84 kilo ng shabu na aabot sa P 420 M.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na napasok na ng Mexican drug cartel ang Pilipinas sa bilyong industriya ng illegal na droga.
Kinumpirma nina PDEA Director General Arturo Cacdac at PNP Chief Director General Alan Purisima ang pamamayag pag ng Mexican Sinaloa drug cartel sa bansa sa kauna unahang pagkakataon na kanilang naberipika.
Malawak anya ang archipelago ng Pilipinas kaya sinasamantala ito ng mga international drug syndicates na ginagawang transhipment ng droga ang bansa.
Iniimbestigahan na rin ang posibleng pananagutan ng maimpluÂwensyang angkan ng pamilÂya ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa nasabing drug syndicates dahilan napag-alamang pag-aari ng mga ito ang sinalakay na rancho na nirerentahan ng mga suspek.
Inihayag ni Purisima na base sa ilang indikasyon lumilitaw na mayroong alyansa sa pagitan ng Mexican Sinaloa drug cartel at ng mga Chinese drug syndicate kung saan isa sa mga pruweba ay ang paggamit ng sindikato ng Chinese-Filipino sa kanilang operasyon.
Ayon pa sa mga opisyal, naghigpit ang US laban cocaine bunsod upang humanap ang Mexican drug cartel ng ibang teritoryo kung saan maaari nilang ituloy ang kanilang drug business at dito nila nakita ang Pilipinas.