Pinoy sa Saudi posibleng mabitay sa 2014
MANILA, Philippines - Posibleng sa Enero ng 2014 ay matuloy ang pagbitay sa overseas FiÂlipino worker (OFW) na nasa death row sa Saudi Arabia na si Joselito Zapanta dahil sa kabiguan ng pamilya nito na maibigay ang hinihingi na P44 milÂyon ng pamilÂya ng napatay nitong Sudanese national na si Imam Ibrahim noong 2009 sa Riyadh, Saudi.
Nauna nang humiÂling ang pamilya ni Ibrahim ng 5 milyong Saudi riyal (SAR) kaÂpalit ng tanazul o affiÂdavit of forgiveness na napababa sa SAR 4 milyon dahil sa pagsuÂsumikap ng Department of Foreign Affairs at Embahada ng PiÂlipinas sa Riyadh sa pakikipagtulungan ng Sudanese Embassy na masagip ang nasabing OFW.
- Latest