^

Police Metro

Bakasyunistang sarhento inutas ng 4 NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng apat na lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng  New People’s Army (NPA) ang naka-on leave na Army Sergeant sa basketball court ng Brgy. Tubel, Allacapan, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Sgt. Edimar Binuya, miyembro ng Army’s 17th Infantry Battalion.

Binatikos ni Major Emmanuel Garcia, Chief ng 1st Civil Military Operations (CMO) Group ng AFP Northern Luzon Command ang pangyayari dahilan sa umiiral na 26 araw na tigil putukan na idineklara ng pamahalaan sa hanay ng NPA rebels mula Disyembre 20 ng hatinggabi hanggang Enero 15 ng susunod na taon.

Nabatid sa ulat, nakabakasyon at katatapos lamang maglaro ng basketball ang biktima dakong alas-4:45 ng hapon sa gymnasium  ng Brgy. Tubel nang bigla na lamang bumunot ng baril ang tatlong lalaking rebelde at isang amasona at pinagbabaril ang biktima na nasapul ng mga tama ng bala sa katawan.

ALLACAPAN

ARMY SERGEANT

BRGY

CIVIL MILITARY OPERATIONS

EDIMAR BINUYA

INFANTRY BATTALION

MAJOR EMMANUEL GARCIA

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON COMMAND

TUBEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with