Xmas Day bust: P400-M shabu nasabat sa Batangas
MANILA, Philippines - Nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit 80 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P400 milyon sa isang pagsalakay sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Fernando Sagun Jr. ng QC RTC Branch 78, sinalakay dakong alas-7:00 ng umaga nang salaÂkayin ng mga tauhan ng pinagsanib na elemento ng PDEA, AIDSOTF at Batangas police ang LPL Ranch, Brgy. Inosluban, Lipa City na pag-aari ng isang George Torres at naaresto ang tatlong tauhan na kinilalang sina Gary Tan, 28, farm maÂnager, Arjay Argenos, 29 at Rochelle Argenos, 28, pawang mga farm caretaker ng mga panabong na manok at wala ang may-ari ng farm.
Batay sa ulat, apat na buwan na sinubaybayan ang drug syndicate na Mexico drug connection na responsable sa pagpapapasok ng droga sa bansa hanggang masakote nila sa Lipa City.
Nakakumpiska rin ng isang shotgun at isang pistola mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2012 at illegal possession of firearms ang mga arestadong suspek.
- Latest