^

Police Metro

Sa pagsalubong sa Bagong Taon... pulis sibak kapag nagpaputok ng baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisibakin sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang ipinalabas na Philippine national police direktiba ni PNP Chief Director General Alan Purisima dahil anya ang trabaho ng kapulisan ay bigyang proteksyon ang publiko para tiyakin ang mapayapang pagdiriwang ng kapaskuhan lalo na ang pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na seryoso ang nasabing paalala sa kapulisan ng PNP kaya dapat na pairalin ng mga ito ang disiplina bilang mga alagad ng batas.

Samantalang bukod sa pagpapaputok ng baril ay bawal ring gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok ang mga parak.

Ginawa ng opisyal ang babala dahilan sa tuwing Bagong Taon ay maraming mga pulis na  nasasangkot sa indiscriminate  firing gayundin ay upang mabawasan kundi man tuluyang masupil ang mga biktima ng ligaw na bala.

Ang  baril ng mga pulis ay tradisyunal na sineselyuhan ang dulo upang hindi magamit sa pagpapaputok ng baril kung saan bago magbagong taon ay isinasagawa ito sa iba’t ibang himpilan ng PNP sa buong bansa.

Idinagdag pa ng opisyal na maari namang salubungin ang Bagong Taon sa pamamagitan ng mapayapang paraan tulad ng pagpapatugtog ng musika, pagsisindi ng mga fireworks, pagpito.paggamit ng mga torotot at iba pa.

Patuloy rin ang paghikayat ng PNP sa mga local executives na maglaan ng ‘fire cracker zone area’ upang mabawasan rin ang polusyon na dulot ng mga paputok at maiwasan ang biktima ng mga paputok lalo na ang mga bata.

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

GINAWA

IDINAGDAG

PATULOY

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF P

REUBEN THEODORE SINDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with