26 isnaberong taxi driver sinuspinde ng LTO
MANILA, Philippines - Apatnapung araw na hindi makakabiyahe ang iginawad na parusa ng Land Transportation Office (LTO) sa 26 taxi driver na inaresto dahil sa pagiging isnabero na tumatangging magsakay ng pasahero.
Ayon kay Atty. Muhammad Lamping, head ng LTO-Law Enforcement Division, ang mga ito ay nahuli nitong Disyembre simula ng ipatupad ang progÂramang†Oplan Isnabero†hanggang nitong nakalipas na Biyernes December 20.
Dinakip ang mga ito matapos na maaktuhan o kaya ay inireklamo ng mga mananakay bunga ng kanilang pagtanggi na magsakay at pangongontrata.
Karamihan sa nahuling taxi ay ang bumibiyahe sa palibot ng mga mall na hinabol ng nakamotorsiklong enforcer ng LTO matapos isumbong.
Ang 40 na araw na suspension ng mga naturang taxi driver base sa first offense at may multang P1,700 at sa ikalawang paglabag ay tataas pa ito.
Muling nanawagan ang LTO sa mga taxi driver na huwag balewalain ang kanilang babala dahil naroon lamang umano sa tabi-tabi ang kanilang mga enforcer na handang tumugon sa mga reklamo at humuli sa kanila.
- Latest