2 bomba itinanim sa kolehiyo
MANILA, Philippines - Dalawang bomba ang nadiskubre ng mga estudÂyante at professor ng isang kolehiyo sa Zamboanga City kamakalawa.
Sa report, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, dakong alas-10:00 ng umaga nang magresponde ang mga eleÂmento ng Zamboanga City Police Bomb Squad sa Zamboanga State College of Marine Science and Technology sa Brgy. Rio Hondo ng lungsod.
Ayon sa pulisya, tumawag ang mga staff ng nasabing kolehiyo at iniulat ang pagkakadiskubre ng nasabing hinihinalang pampasabog na itinanim sa bisinidad ng kanilang gusali.
Nagkaroon nang pag-panic ng mga professor at estudyante na nagpanakbuhan sa paglabas sa kanilang mga classroom sa matinding takot .
Dala ang mga K9 dogs ay nagresponde ang bomb squad na agad pinalibutan ang lugar na kinatagpuan sa bomba na kinumpirmang isang uri ng maÂlakas na eksplosibo.
Ang nasabing bomba ay gawa sa 40 MM at 530 CS flite rite bukod pa sa Rocket Propelled Grenade (RPG) na maaaÂring makapinsala sa mga estudyante, professor at maging sa gusali ng kolehiyo.
- Latest