^

Police Metro

Habang idinadaos ang Christmas party... pulis-maynila tinodas ng kabaro

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang pulis-Maynila  nang barilin ito nang malapitan ng kaibigang pulis habang ginaganap ang kanilang Christmas party sa isang restobar

kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ay kinilalang si PO1 Anthony Alagde, nakatalaga sa District Special Ope­rations Unit (DSOU) ng MPD, residente ng Bambang St.,
Tondo, Maynila at anak ni SPO4 Domingo Alagde, na kasalukuyang nakatalaga sa MPD-station 1.

Agad din naaresto ang suspek na si PO2 Jugiex Quinto, 30, residente ng Sta. Mesa, Maynila at nakatalagang
sa MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-4:10 ng madaling-araw ay magkakasamang nagkakasayahan at nag-iinuman ang  biktima, suspek, kasamahang pulis at ilang sibilyan, sa Balbon’s Restobar na matatagpuan sa Herbosa St., Tondo, Maynila at pag-aari rin ng isang pulis.

Nang malasing ang biktima ay inakbayan at tinutukan nito  ng baril sa dibdib ang suspek gayung  wala silang pinagtatalunan.

Kapwa bumalik sa pag-iinuman ang suspek at biktima nang bigla na lamang pinaputukan ng una sa ulo ang huli na tumagos sa mukha.

Hindi na nagawa pang tumakas ng suspek
nang siya ay pigilan na rin ng mga kasamahang pulis at dalhin sa head quarter.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo nang pamamaril, bagaman inihayag ng suspek na nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima ukol sa illegal na droga.

vuukle comment

ANTHONY ALAGDE

BALBON

BAMBANG ST.

DISTRICT SPECIAL OPE

DOMINGO ALAGDE

HERBOSA ST.

JUGIEX QUINTO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with