Pulitika, droga, rido motibo sa Zambo Mayor slay
MANILA, Philippines - Sinisilip ng binuong Special Investigation Task Group ang tatlong motibo nang pananambang sa nasaÂwing si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at tatlong iba pa sa NAIA Terminal 3, Pasay City kamakalawa.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima na posibleng pulitika, rido at droga ang motibo ng pagpatay kay Mayor Talumpa.
Si Talumpa ay kilala sa mahigpit na krusada nito laban sa illegal na droga sa kanilang lugar, pulitika dahil sa naging mahigpit namang katunggali ng biktima sa pulitika si Wilson Kity Nandang na natalo noong midterm elections nitong Mayo ng taong ito.
Ang nasawing alkalde ay tatlong beses na pinagtangkaan ang buhay kung saan tuluyan nang nagtagumpay ang mga salarin sa ikatlong pagtatangka matapos itong abangan at pagbabarilin sa arrival area ng NAIA terminal 3 ilang oras matapos na lumapag sa paliparan nitong Biyernes.
May tatlong testigo na ang hawak ng mga otoridad upang mabigyang linaw ang insidente at sa inisyal na imbestigasyon na ang alkalde ang tunay na target ng mga salarin at nadamay lamang ang misis nito ilang mga kamag-anak at maging ang mga inosenteng pasahero na nakasabay ng opisyal sa arrival area habang naghihintay ng sundo.
Kabilang sa nasawi ay ang misis ni Talumpa na si Lea Saripudon Talumpa, pamangkin ng alkalde; 18 buwang gulang na si Gil Thomas Lirazan ng Bacolod City, Negros Occidental.
Nasugatan ang ina ni Lirazan na si Mary Ann, 28; lolang si Amalia Lirasan, 58 at pinsang si Dianne Uy para mag bakasyon lamang sa Maynila nang madamay sa pamamaril.
- Latest