26 araw ceasefire sa CPP-NPA-NDF
MANILA, Philippines - Inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nagdeklara ng 26 na araw na unilateral ceasefire ang gobyerno sa CPP-NPA-NDF ngayong holiday season.
Epektibo ang nasabing holiday truce mula alas-12:00 ng madaling-araw ng Disyembre 21 hanggang alas-11:59 ng Enero 15, 2014.
Sang-ayon na rin ito sa rekomendasyon ng AFP at DND kay Pangulong Benigno Aquino III.
Naunang nagdeklara ng anim na araw na tigil-putukan ang CPP-NPA-NDF mula Disyembre 24 hanggang 26 at Disyembre 31 hanggang Enero 2, 2014.
Ang naturang hakbang ng NPA ay pinuna naman ng AFP spokesman na si Col. Ramon Zagala dahil sa kung bakit ilang araw lamang ang kanilang unilateral ceasefire.
Magdiriwang ang NPA ng kanilang ika-45 taong anibersaryo sa darating na Disyembre 26.
- Latest