^

Police Metro

Pamunuan ng Don Mariano kinasuhan ng sibil

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong sibil ang apat na kapamilya na kabilang sa 18 nasawing pasahero ng Don Mariano Transit sa pamunuan ng naturang bus company kahapon makaraan ang malagim na pagbagsak ng isa nilang bus sa itaas ng Skyway sa Parañaque City.

Sinampahan na kahapon ang mga incorporators ng Don Mariano Bus Transit na binubuo ng pamilya ng isang Melissa Lim sa opisina ni Parañaque 2nd Asst. City Prosecutor Napoleon Ramolete.

Dumipensa naman ang HPG sa akusasyon ng ilang mga kaanak ng mga nasawi na pinag-interesan nila ang gamit ng mga biktima na ayon kay SPO2 Maria Isidra Dumlao, may hawak ng kaso na, itinurn-over lamang sa kanila ng Skyway ang mga gamit na kanilang hawak tulad ng cell phones, bags, pitaka at mga relo.

May kaangkop umanong listahan ang mga gamit na ipinasa sa kanila ng Skyway na maaaring berepikahin sa kanila ng mga kaanak.

Isa sa mga galit na galit na kaanak ay si Edralyn Castor, kapamilya ng nasawing si Joey Esponilla, makaraang mawala umano ang gamit na bag, relo at malaking halaga ng pera na dala ng biktima nang maganap ang trahedya.

Sinabi naman ni Dumlao na masakit sa kanila ang pagbintangan na tumangay sa gamit ng mga nasawi. Hindi anya nangangahulugang kapag nabigong makita ng mga kaanak ng mga biktima ang mga hinahanap nilang gamit ay kinuha na ito ng mga tauhan ng PNP-HPG.

vuukle comment

CITY PROSECUTOR NAPOLEON RAMOLETE

DON MARIANO BUS TRANSIT

DON MARIANO TRANSIT

DUMIPENSA

EDRALYN CASTOR

JOEY ESPONILLA

MARIA ISIDRA DUMLAO

MELISSA LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with