P54.5-M marijuana nasamsam
MANILA, Philippines - Umaabot sa P54.5 milyon halaga ng marijuana ang nasamsam sa isinagawang marijuana eradication operation sa lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Cordillera Police Regional Director P/Chief Supt. Isagani Nerez, sinalakay nang pinagsaÂnib na elemento ng Benguet Police Office, Regional Public Safety Battalion, Criminal Investigation and Detection Unit –Cordillera Administrative Region (CAR) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-CAR) ang tatlong munisipalidad ng Benguet sa loob ng apat na araw na operasyon hanggang kamakalawa at dito ay pitong barangay ang nadiskubreng may malalawak na plantasyon ng marijuana.
Kabilang sa sinalakay na mga lugar ay ang Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet na may anim na plantasyon ng marijuana na sumusukat ng 12, 500 square meters at may tanim na 62,500 puno ng marijuana na aabot sa P12,500,000.00 ang halaga; Brgy. Tacadang, Brgy. Badeo, pawang sa Kibungan, Benguet; Brgy. Belis, Kapangan at iba pang lugar sa lalawigan ng Benguet.
Sa nasabing operasyon ay nadiskubre rin ang 15 pang malalawak na plantasyon ng marijuana na sumusukat ng 3,040 square meters sa Kibungan kasunod ng pagkakasamsam ng mahigit sa P17,850,000.00 halaga ng pinatuyong dahon at bulto ng binhi nito.
- Latest