200 MNLF na-monitor sa North Cotabato
MANILA, Philippines - Binalot ng matinding tensyon ang mga residente matapos na ma-monitor ang armadong presensya ng Moro National Liberation Front (MNLF) fighters sa bayan ng Midsayap North Cotabato sa takot na matulad sa pag-atake sa Zamboanga City noong Setyembre 9 na tumagal ang krisis hanggang 20 araw.
Inihayag naman ni Captain Antonio Bulao. Spokesman ng Army’s 602nd Infantry Brigade,ang nasabing grupo ng MNLF fighters na pinangungunahan ng tatlong Commander ng mga ito ay may hinahanap umanong kamag-anak ng isang barangay chairman na sangkot sa pamamaslang sa isa nilang matandang sympathizer sa Datu Piang, Maguindanao na binabalak lamang gumanti.
- Latest