^

Police Metro

4 menor na drug courier nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na menor-de-edad na ginagawang drug courier ang nasagip ng mga otoridad kasunod nang pagkakasakote sa isang pinaghihinalaang big time drug lord  kamakalawa sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Jabar Pajaonan alyas Bong Bangus, isang umano’y notoryus na drug dealer sa lungsod.

Nailigtas naman ang mga menor na itinago sa mga pangalang Mario, 11; Tomtom, 14; Gary, 15 at Alex, 16 na mga taga deliver ng shabu ng suspek.

Nabatid na sinalakay ng mga operatiba ng Regional Criminal Investigation Unit (RCIU) sa pamumuno ni Sr. Supt. Pete Austria ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte.

Nasamsam mula sa suspek ang isang unit ng Thompson sub-machine gun cal 45 pistol na may isang magazine na puno ng bala, isang unit ng Baby armalite rifle, isang mahabang magazine para sa shotgun, sari-saring granada gayundin ang mga bala para sa iba’t-ibang kalibre ng armas, drug paraphernalias at ilang sachet ng shabu.

Itinurnover na sa tanggapan ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor-de-edad habang inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek.

 

vuukle comment

ALEX

APAT

BONG BANGUS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JABAR PAJAONAN

MALAYBALAY CITY

PETE AUSTRIA

REGIONAL CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with