^

Police Metro

Nasawi kay ‘Yolanda’ 6,057 na

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot na sa 6,057 ang naitatalang nasawi sa pana­nalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa Eastern Visayas at karatig rehiyon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), nakarekober pa ng mga bangkay ang mga awtoridad kaya patuloy na lumolobo ang mga casualty at nanatili naman sa  1,779 ang bilang ng nawawala, habang  27,468 ang sugatan.

May 16 milyon katao ang naapektuhan, habang 3.9 milyon individual ang na-ilikas, at 100,000 pa rito ang nanatili sa mga evacuation centers.

Ang bilang naman ng mga nasirang kabahayan ay tumaas sa 1,142,890 ang 551,453 dito ay totally damage, habang may 591,437 naman ang bahagyang nasira.

Bagama’t ang ibang naapektuhang paliparan o airport ay fully functional, ang operasyon sa Tacloban City Airport ay limitado pa rin.

Ang pagrekober sa mga nasirang imprastraktura at agrikultura ang pinakamahirap na trabaho ng pamahalaan, dahil umabot na sa P7.2 million halaga ng pananim, at bukirin ang nasira, habang ang halaga ng nasirang imprastraktura ay umabot na sa P14.48 milyon

 

vuukle comment

BAGAMA

EASTERN VISAYAS

HABANG

MILYON

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MA

TACLOBAN CITY AIRPORT

UMABOT

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with