^

Police Metro

Suspek sa pyramid scam: Ex-mayor, misis huli sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating  Pagadian City Mayor Samuel Co at misis nito na si Priscilla, na kapwa itinuturong suspek sa pyramid scam, sa Se­rendra, Bonifacio Global City, sa Taguig.

Nabatid na ang mag-asawa ay kapwa pa­ngunahing respondents sa syndicated estafa kaugnay sa bilyong investment scam ng Aman Futures o Amalilio pyramid scam.

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng NBI, hindi muna nila idede­talye ang pagkakadakip sa dalawa dahil ngayong araw (Lunes) ay ihaharap sa media ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang dalawa.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ng Hulyo, 2013 ay isinampa  ng DOJ ang panibagong kaso ng syndicated estafa laban kina Co at iba pang respondents kabilang ang utak ng nasabing pyramid scam na si  Manuel Amalilio, na ngayon ay sinasabing nagtatago sa bansang Malaysia.

Libu-libo katao at multi-bilyon piso ang sinasabing ‘naloko’ at natangay ng mga respondent sa kaso.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa mga respondent ay ang investor na sina Samsodin Ala, fire officer Fabian Tapayan Jr. at government employee na si Norolhaya Taha.

Nalinlang umano ng mga akusado ang kanilang mga biktima dahil sa magaling at  ‘matamis’ na pananalita na kikita ng malaki ang kanilang pera sa oras na sila ay mag-invest sa Aman Futures.

Matapos mag-invest ang mga biktima at tila ‘nagpadama’ noong una, at bigla na lamang nawala na parang bula ang mga akusado na ngayon ay wanted sa mga awtoridad.

vuukle comment

AMAN FUTURES

BONIFACIO GLOBAL CITY

DEPARTMENT OF JUSTICE

FABIAN TAPAYAN JR.

MANUEL AMALILIO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOROLHAYA TAHA

PAGADIAN CITY MAYOR SAMUEL CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with