^

Police Metro

36 bahay sa Zambo nasunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot sa 36 kabahayan ang nasunog na kung saan ay dala­wang katao ang nasaktan naganap kamakalawa sa Brgy. Culo, Molave, Zamboanga del Sur.

Ang dalawang nasugatan ay kinilalang sina Ruth Apale nagtamo ng first degree burn sa mukha at Marwin Casabal, nagkaroon naman ng second degree burn sa kaliwang balikat.

Sa ulat ni Chief Ins­pector  Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa Purok African Daisy 1 & 2, Brgy. Culo, Molave ng lalawigan.

Mabilis na nakares­ponde ang mga elemento ng Molave Police Station at Bureau of Fire Protection upang masawata ang nakawan habang inaapula ang sunog.

Ang sunog ay nagsimula sa faulty electrical wiring ng bahay ng isang Delyn Apale na mabilis kumalat sa mga kabahayan sa lugar na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Naapula naman ang sunog bandang alas-4:00 ng madaling-araw at sa pagtaya umaabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala  sa naganap na sunog.

ARIEL HUESCA

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF INS

CULO

DELYN APALE

MARWIN CASABAL

MOLAVE POLICE STATION

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with