73-anyos na trader inutas
MANILA, Philippines - Pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang 73-anyos na lolo nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa harap ng isang internet shop kahapon ng madaÂling-araw sa Brgy. Sagad, Pasig City.
Namatay noon din ang biktima na nakilaÂlang si Rodolfo Oregas, residente ng 176 Dr. Pilapil St., Barangay Sagad.
Tumakas ang dalawang suspek na lulan ng isang kulay orange na tricycle na may body no. 328.
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay naglalakad ang biktima sa Dr. Pilapil St., ng barangay pauwi sa kanilang bahay at pagtapat ng A-site Internet Café ay pinagbabaril ito ng mga suspek.
Isang testigo ang nagsalaysay sa pulisya na nakita niya ang isa sa gunman na nakasuot ng kulay itim na jacket at sombrero na aktong papasakay sa isang tricycle.
Inaalam pa nila ang motibo ng pamamaslang sa biktima kung may kaugnayan ito sa negosÂyong paupahan nito.
- Latest