^

Police Metro

P220K sa pamilya ng 7 Pinoy na nasawi sa Yemen bombing

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatanggap ng tig-P220,000 bilang kaukulang benepisyo ang pamilya ng 7 Pinoy workers na nasawi sa Yemen bombing kamakailan.

Ito ang inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon dahil sa miyembro ng OWWA ang pitong Pinoy na nasawi.

Ang nasabing halaga ay death at burial benefits ng  isang overseas Filipino worker na napaslang habang nasa trabaho sa ibang bansa at nakatalang OWWA member.

Bukod dito ang pamilya ng mga nasawi ay maaari ring i-avail ang  Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) ng ahensya bilang scholarship grant para sa mga kuwalipikadong dependent o anak ng mga napaslang na OFWs o kung walang asawa ay mga kapatid.

Nag-aalok din ang OWWA ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P15,000 para sa asawa ng nasa­wing OFWs.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) posibleng bago mag-Pasko ay maiuwi na ang mga labi ng mga biktima.

vuukle comment

ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDUCATION AND LIVELIHOOD ASSISTANCE PROGRAM

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with