Habang naglalakad sa highway... 2 bagets itinumba
MANILA, Philippines - Dalawang tinedyer ang hinihinalang pinagtripang barilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang ang mga una ay naglaÂlakad sa highway ng dis-oras ng gabi sa Brgy. Bulatok, Pagadian City. Zamboanga del Sur.
Namatay noon din ang dalawang biktima na kinilalang sina Manilyn Besirel, 14-anyos, residente ng Sta. Lucia District, Pagadian City at isang alyas Mar-Mar, 18 anyos.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ay nagÂlalakad ang dalawang tinedyer sa nasabing lugar nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong salarin at agad pinaulanan ng bala ang dalawang biktima.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang dagliang ikinamatay ng mga ito.
Mabilis na nagsitakas ang hindi pa kilaÂlang suspek.
- Latest