Pangalan ng gunman nasambit...Saksi sa kasong murder itinumba
MANILA, Philippines - Pinasok ng isang laÂlaki ang bahay ng isang 45-anyos na biyuda habang ito ay na natutulog kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.
Bago nalagutan ng hiniÂnga ang biktima na si Elena Miranda sa tinamong tama ng bala sa pisngi at leeg ay nabanggit pa nito ang pangalan sa anak na si Al, 12 na ang bumaril ay isang alyas Ruel.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima, sa pamamagitan ng pagkalas sa nakataling nylon
cord sa pintuan, na nagsiÂsilbing lock. Nang nakapasok na sa loob ng bahay ay naalimpungatan ang biktima at kasunod ang dalawang putok ng baril.
Nagising ang mga anak na nagkakaedad, 12, 10 at 8, nang makaalis na ang suspek at bago pa panawan ng ulirat ay sinabi nito na
siya ay binaril ni “Ruelâ€.
Sa impormasyon ng pulisya na ang biktima ay witness sa kaso ng murder laban sa suspek may ilang buwan na ang nakalipas.
Malaki ang hinala ng pulisya na pinatahimik ito upang hindi na muÂling makapagtestigo dahil kasalukuyang nasa preliminary investigation pa
ang kaso ni Ruel sa Manila Prosecutor’s Office.
- Latest