Phivolcs naglagay ng 2 tsunami warning system sa Sarangani Bay
MANILA, Philippines - Dalawang tsunami early warning system ang inilagay ng Philippine InsÂtitute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Sarangani Bay para subayÂbayan ang water level ng mga baybayin dito.
Ang unang tsunami early warning system ay nasa pantalan ng Glan sa bukana ng Sarangani bay na nakaharap sa Pacific Ocean at Celebes Sea.
Ang ikalawa naman na tsunami early warÂning system ay inilagay sa baybayin ng barangay Ladol, bayan ng Alabel na unang napaulat na nagkaroon dito ng extreme low tide na nakalikha ng takot sa mga residente doon sa paÂngambang may paraÂting na tsunami.
Magiging operatioÂnal ang naturang mga pasilidad sa katapusan ng Disyembre.
Samantala, nakapagtala ang Phivolcs ng magnitude 4.4 na lindol bandang alas-2:06 ng madaling-araw kahapon sa may Celebes Sea na nasa 337 kilometro ng timog silangan ng South Ubian, Tawi-tawi na hindi naramdaman ng mga tao doon dahil sa dagat naganap ang pagyanig.
- Latest