^

Police Metro

Holdaper inutas ng kabaro sa loob ng jeep

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kilalang holdaper na sakay ng pampasaherong jeep ang binaril at napatay ng lalaking naka motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at mukha ang biktima na nakilalang si Allan Carrasco, 44-anyos, alyas “Kulit”, residente ng no. 14-B Figuerroa St., ng naturang lungsod. Isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital makaraang tamaan ng ligaw na bala sa hita ang 22-anyos na si Tiffany Anne Firmoza.

Sa imbestigasyon ng Pasay police, sumakay ang biktima sa pampasaherong jeep na minamaneho ni Ana­ceto Rellama, 37 sa kanto ng F.B Harrison at Libertad dakong alas-10:45 ng gabi patungong Evangelista.

Hindi pa nakakalayo ang jeepney nang harangin at pahintuin ng isang lala­king nakasakay ng motorsiklo, tinatayang nasa edad na 35-taong gulang, nakasuot ng itim na jacket at walang helmet.  Lumapit ito sa biktima at agad na pinaputukan sa mukha. 

Hindi pa nakuntento, sunud-sunod pang pinaputukan ng salarin si Carrasco upang matiyak na mapatay ito. Doon tinamaan ng ligaw na bala ang pasaherong si Firmoza.

Bigo naman ang Pasay Police na masakote ang sala­rin sa kabila na na­pakalapit lamang ng Pasay Police headquarters sa F.B Harrison St. kaya matagum­pay na nakatakas ang suspek.

Ayon sa pulisya, kilala ng kanyang mga kapitbahay ang biktima na sangkot sa panghoholdap at posibleng kasamahan nito ang pumatay dahil sa onsehan sa nakulimbat.

 

vuukle comment

ALLAN CARRASCO

B FIGUERROA ST.

B HARRISON

B HARRISON ST.

PASAY CITY

PASAY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

TIFFANY ANNE FIRMOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with