PHL-US Balikatan 2014 kasado na
MANILA, Philippines - Kasado na ang susunod na yugto ng taunang PHL-US Balikatan ExerÂcise 2014 matapos ang Operation Damayan ng Estados Unidos na kabilang sa 16 bansang suÂmaklolo sa Pilipinas sa maÂtinding delubyo ng super bagyong Yolanda halos isang buwan na ang nakalilipas.
Ayon kay Philippine Army Spokesman CapÂtain Anthony Bacus, kasalukuyan ng nagsasagawang Final Site Survey (FSS) at Final Planning Conference (FPC) ang Philippine Army at United States ArÂmy personnel sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija at sa Dusit Thani Hotel, Makati City.
Kasalukuyang nagsasagawa nang survey at pagsusuri para sa mapipiling Special Operations Command’s (SOCOM) training areas at mga pasilidad kung saan gaganapin ang actual military bilateral exercise sa susunod na taon.
Nabatid na pamumuÂnuan nina Philippine Army Forces Field TraiÂning Exercise, (FTX) Final Site Survey (FSS) Team Colonel Glorivine Dida at US Army Forces FTX FSS Team na pinamumunuan naman ni Major Anthony Williams ng 25th Infantry Division, US Army Pacific ang paghahanap sa mga lugar na gagamitin sa joint military exercise.
- Latest