^

Police Metro

Tindahan sinuwag ng trak: 2 todas, 16 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuwag ng delivery truck ang isang sari-sari store na ikinasawi ng dalawang katao kabilang ang isang 11-anyos na batang la­laki habang 16 ang nasugatan na naganap kahapon ng umaga sa bayan ng Barili, Cebu.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Jennifer Martillan, 22 at ang menor-de-edad na si Anderson Jason Vergara; pawang residente ng Brgy. Sta Ana ng bayang ito.

Dinala naman sa Barili District Hospital at Vicente Sotto Memorial Medical Center ang mga nasugatang biktima kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondis­yon.

Sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar nang mawalan ng preno ang 10 wheeler wing van hauler truck (YKP-197) ng JAK Logistics na minamaneho ni Adonis Quiñanola, 37.

Ang nasabing deli­very truck na naglalaman ng mga serbesa na mula sa Cebu at patu­ngong Malabuyoc, Cebu nang mawalan ng preno.

Tuloy-tuloy na sinalpok ng truck ang tindahan at nakaparadang multicab (GXV 308) sa tabi ng kanang bahagi ng highway sa nasabing barangay na agarang ikinasawi ng dalawang biktima.

Patuloy sa pagtakbo ang truck at sinuwag din nito ang computer house na pag-aari ni Edmund Concepcion na ikinasugat ng 16 biktima.

vuukle comment

ADONIS QUI

ANDERSON JASON VERGARA

BARILI DISTRICT HOSPITAL

CEBU

EDMUND CONCEPCION

JENNIFER MARTILLAN

STA ANA

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with