^

Police Metro

Hindi nakapag-intrega sa kinuhang shabu... 30 bala itinanim sa mag-utol na pusher

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang isang magkapatid na umano’y pusher ng apat na kalalakihan na mi­yembro ng isang sindikato ng droga matapos hindi umano nakapag-intrega sa pinagbentahan nilang shabu kamakalawa sa Olongapo City.

Ang magkapatid na namatay noon din ay kinilalang sina Mariel, 34, at Marvin Alferos, 33, kapwa residente ng no. 79-C Otero Avenue, Barangay Mabayuan ng lungsod.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga nagrespondeng pulis sa pangunguna ni P/S Ins. Edmer Gloria, hepe ng Sta. Rita Police Station, dakong alas-5:30 ng umaga nang puntahan ng apat na la­laki ang bahay ng magkapatid upang kolektahin ang bayad sa naunang kinuhang droga.

Malaki ang hinala ng pulisya na walang naintrega ang magkapatid sa apat na suspek na nagsusuplay sa kanila ng droga at sa galit ng mga ito ay pinagbabaril nang walang kalaban-laban.

Nang masigurong patay na ang magkapatid ay mabilis na tumakas ang mga suspek na hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.

Nasamsam sa lugar ng krimen ang mahigit sa 30 basyo ng bala mula sa kalibre 45 at 9mm na baril na nagkalat pati na ang mga cell phone at tablet computer ng mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY MABAYUAN

C OTERO AVENUE

EDMER GLORIA

MALAKI

MARIEL

MARVIN ALFEROS

OLONGAPO CITY

RITA POLICE STATION

S INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with