MANILA, Philippines - Niyanig ng 2.8 magnitude na lindol ang Santo Tomas, Batangas at Davao del Sur kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa kanluran ng Santo Tomas, Batangas dakong alas-8:13 ng umaga at naramdaman ito sa lakas na intensity 2 sa Los Baños, Laguna, Santo Tomas, Batangas.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa nang pagyanig ay 033 kilometro.
Nauna rito naramdaman din ang 2.6 magnitude na lindol sa silangan ng Malita, Davao del Sur dakong alas-12:38 ng madaling-araw na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 003 kilometro.