Misis inatado ng lover na adik

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang lalaki ang kanyang 21-anyos na lover sa hindi pa malamang dahilan kahapon sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Namatay noon din dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan  ang biktima na  kinilalang si Jordalyn Zipra residente ng nasabing lugar.

Tumakas ang suspek na si Elvin Paulino, 27, tubong Tungawan, Zamboanga Sibugay at  kilalang drug addict sa kanilang lugar.

Sa salaysay ng mga kapitbahay na  dakong alas-2:30 ng madaling araw ay narinig nila ang  kalabugan sa loob ng bahay ng maglive-in partner habang sumisigaw ng tulong ang biktima.

Narekober sa lugar nang pinangyarihan ang kutsilyo na may habang 5 pulgada na ginamit sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang motibo nang pagpaslang sa biktima.

Show comments