Chinese aircraft carrier nasa West Philippine Sea

MANILA, Philippines - Hindi nababahala si Pangulong Benigno S. Aquino III sa ulat na nasa West Philippine Sea na ang Chinese aircraft carrier.

Sa isang panayam ay sinabi ni Pangulong Aquino na walang dapat ikabahala ang taumbayan dahil sa hindi banta sa seguridad ang nasabing ulat dahil wala sa territorial waters ng West Philippine Sea kundi nasa High Seas ang Chinese aircraft carrier.

Ayon sa Pangulong Aquino, inamin din naman ng China na hindi pa ito operational at nagsasagawa lamang ng pagsasanay sa carrier ­operations.

Inihayag ng Pangulong Aquino na maitutu­ring itong innocent passage kaya hindi dapat palakihin o ikaalarma.

Show comments