Tatay itinumba sa harap ng pamilya
MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang misis at dalawang anak binaril ang isang mister ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Mahayag, Zamboanga del Sur.
Namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa dibdib at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald Daraydo, 45, rice field caretaker at residente ng Purok 6, Brgy. Daniel Mantos sa baÂyang ito.
Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi sa nasabing lugar ay kasalukuyang naglalakad ang biktima kasama ang kaniyang misis na si Betty Daraydo at dalawang paslit na anak sa may palayan pauwi sa kanilang bahay nang mag-flashflight sa mukha ng mister ang mga armadong suspek.
Bumati pa ng magandang gabi ang mga suspek at sinabi na magpapatubig sa sakahan nang bigla na lamang binoga ng shotgun ang biktima.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nagpanakbuhan palayo sa lugar at hindi naman sinaktan ang misis at anak ng biktima.
Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng nasabing armas.
- Latest
- Trending