Paslit nilamon ng ilog
MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos itong malunod nang tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Sitio Bolicon, Brgy. Turno, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Jirih James Tortur, residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Dipolog River matapos na magtungo ang biktima at 7 anyos nitong kalaro na si Mayflor Tabiliran para maligo.
Habang masayang naliligo sa ilog ang biktima ay biglang nagkaroon ng flash flood at tinangay ng agos ang biktima habang si Tabiliran ay nasa pampang.
Nabigo ang search and rescue operation na marekober ang bangkay ng bata dahilan sa masyadong malakas ang tubig baha.
- Latest