^

Police Metro

Solar lights ibibigay sa Yolanda survivors

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mamamahagi ang Technical Education and Skills Development Autho­rity (TESDA) ng mga “solar lights” na maaa­ring magamit sa gabi sa mga lugar na tinamaan ng bagyo habang hinihintay pang matupad ang pa­ngako ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang suplay ng kuryente bago mag-Pasko.

Target ng TESDA na inisyal na makagawa ng 1,300 units ng solar lights sa ilalim ng proyektong “Liter of Light” katuwang ang My Shelter Foundation at karamihan ay dadalhin sa Tacloban City.

Ginamitan ang solar light ng “solar powered LED” na may orihinal na disenyo gamit ang mga lokal na materials na maaa­ring mabuo at makumpuni. 

Sa pamamagitan umano nito, matitipid ng mga residente ang kakarampot nilang natitirang pera na ipambibili sa gaas para sa gasera.

Inaasahan naman na makapagpapamahagi na ang TESDA ng mga solar light units sa Nobyembre 30 kasabay ng komemorasyon sa ika-150 anibersaryo ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio.  Una na ring nagbigay ang US Embassy ng US$10,000 para pondohan ang proyekto kasama ang pondo buhat sa TESDA.

 

ANDRES BONIFACIO

DEPARTMENT OF ENERGY

GINAMITAN

INAASAHAN

LITER OF LIGHT

MAMAMAHAGI

MY SHELTER FOUNDATION

TACLOBAN CITY

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with