Nasuspinde sa trabaho, nag-suicide
MANILA, Philippines - Dahil sa labis na depresyon makaraang masuspinde sa trabaho kaya nagawang magbigti ng isang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinilalang si Julio Cortez, 54, may-asawa, utility worker at residente sa Area 8, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.
Ayon kay SPO1 Jimmy Jimena, may-hawak ng kaso, si Cortez ay nadiskubre na lamang nakabigti ng kanyang apong si Daine Santos, sa loob ng kanyang bahay, dakong alas-2:00 ng hapon.
Sinikap pang dalhin sa East Avenue Medical Center ang biktima pero wala na itong buhay.
Base sa imbestigasyon, masyado umanong na-depress ang biktima matapos na suspindehin sa trabaho ng isang buwan, dahil sa parating late kung pumasok.
Maraming beses na umanong nasususpinde ang biktima at nakakatanggap ng notice for suspension, pero noon lamang ito namroblema dahil magpapasko at bagong taon ay wala siyang trabaho.
- Latest